Inilunsad ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) ang promotional lower rates for its international mail services upang mapataas ang kanilang posisyon sa merkado at hikayatin ang publiko na piliin ang PHLPost para sa kanilang pangangailangan sa koreo.
Ayon kay Postmaster General Luis D. Carlos, ang mga bagong presyo ay magbibigay sa publiko ng mas abot-kayang courier services kumpara sa kasalukuyang presyo sa merkado at ito ay makakatulong sa kanila na makapag tipid sa gastos sa koreo.
Nagawa ng PHLPost na pababain ang mga presyo dahil sa good governance na nagbunga ng malaki sa pagpapahusay ng operasyon ng government-owned corporation.
“Ipinagmamalaki naming ibahagi sa publiko ang mga benepisyo ng aming operational improvements. Ang bagong promosyon na ito, na lubos na nagpababa ng mga presyo ng aming international mail services, ay bahagi ng aming pagtatalaga na mas mapaglingkuran ang aming mga customers at makapag-ambag sa economic well-being ng mga pamayanan ng Pilipino,” pahayag ni PMG Carlos.
Ayon kay PMG Carlos, matagal ng nasa disadvantaged ang publiko dahil sa patuloy na pagtaas ng mga presyo ng serbisyo ng koreo, lalo na mula sa private courier services. “Ngayon, sa promotional rates na ito, nagbibigay kami sa kanila ng mas mahusay na pagpipilian—isang pagpipilian na magbibigay-daan sa kanila na matugunan ang kanilang pangangailangan sa koreo sa mas mababang halaga,” aniya.
Ang mga promosyonal na presyo ng PHLPost para sa kanilang serbisyong pang-internasyonal na koreo ay ang pinakamababa sa merkado. Halimbawa, ang pagpapadala ng 1.5 kg ordinaryong sulat sa Japan ay nagkakahalaga lamang ng Php 1,680, habang ang pagpapadala ng kaparehong timbang sa Singapore ay nagkakahalaga ng Php 1,254. Kung ipapadala ito sa Australia, nagkakahalaga lamang ito ng Php 1,870. Ang presyo sa Canada ay Php 2,291, sa United Kingdom ay Php 1,823, at sa Estados Unidos ay Php 2,250.
Para sa Serbisyong Pang-internasyonal na Express Mail ng PHLPost, ang mga presyo ay nag-iiba depende sa destinasyon. Para sa mga package na patungo sa Australia, nagsisimula ang presyo sa Php 444.50 para sa unang 500 grams at tumataas sa Php 2,413 para sa unang kilogram. Para sa mga package na patungo sa United Kingdom, nagsisimula ang presyo sa Php 513.50 para sa unang 500 grams at umaabot sa Php 3,018 para sa unang kilogram. Para sa mga package na patungo sa Estados Unidos, nagsisimula ang presyo sa Php 631.50 para sa unang 500 grams at umaabot sa Php 2,182 para sa unang kilogram. Panghuli, para sa mga package na patungo sa Singapore, ang presyo ay Php 240 para sa unang 500 grams at Php 1,167 para sa unang kilogram.
Sa pagpasok ng promo rates, inaasahan ng PHLPost ang pagtaas ng paggamit ng kanilang mga serbisyo. Tinitiyak din ng korporasyon sa publiko ang kahusayan at pagiging maaasahan ng kanilang mga serbisyo.
“Kami ay may kumpiyansa na mas maraming tao ang pipili sa PHLPost para sa kanilang pangangailangan sa koreo, lokal man o internasyonal. Ang aming pangakong magbigay ng mahusay at maaasahang serbisyo ay nananatiling matatag, na tinitiyak na matatanggap ng aming mga customers ang best possible experience,” sabi ni PMG Carlos.
Para sa kumpletong listahan ng promosyonal na mas mababang presyo para sa serbisyong pang-internasyonal na koreo, mangyaring bisitahin ang link na ito: PHLPost Rates 2025.
“Kahit na may mga pinababang presyo, tinitiyak namin sa publiko na ang kanilang mga sulat at package ay hahawakan ng may kahusayan at pinakamataas na pamantayan ng serbisyo,” sabi ni PMG Carlos.
Inilunsad ng PHLPost ang promotional lower rates dahil sa mga cost-saving na mga hakbang, streamlined operations, at bagong pokus sa transparency at pananagutan. Ang mga pagsisikap na ito ay nagbigay-daan sa kumpanya na direktang maipasa ang mga natipid sa kanilang mga customers. Ito ay umaayon sa misyon ng PHLPost na magbigay ng abot-kaya at maaasahang serbisyo ng koreo sa mga Pilipino sa buong bansa.