Binuksan  kamakailan ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) Area V- Central at Eastern Visayas ang Tabogon LGU Postal Station upang magkaroon ng mabilis at episyenteng transaksyon ng mga serbisyo at produkto na iniaalok ng PHLPost sa publiko.

Layunin ng bagong pasilidad na mas mapalapit ang mga serbisyo ng PHLPost sa mga residente ng munisipalidad ng Tabogon sa Cebu at mga karatig na bayan sa probinsya.

Naroon upang pasinayaan ang naturang Postal Station sina : (mula kaliwa) Tabogon Chief of Police, PCPT Florencio Cabanlit Jr., Municipal Administrator, Ronnie Hingco, Mayor Francis Salimbangon of the Municipality of Tabogon, Assigned Postal Station Teller, Mary Jane Ornopia, PHLPost Area 5 Director, Marilyn O. Alcoy, (sa likuran) are Acting/Support Service Manager, Elpidio A. Judaya Jr., Chief/Adfin Division, Mary Grace B. Gilbuena, Marketing Assistant, Shalmen Ibale, Executive Secretary, Angelica Lucernas, Carmen Post Office Postmaster, Sheila Booc, Cluster Supervisor, Philfred Batucan,  at Driver, Quirico Estrera.

“Nais kong magpasalamat kay AD Alcoy ng Area V, sa pagbubukas ngTabogon LGU Postal Station sa ilalim ng pamamahala ng Carmen Post Office, Cebu Province”, ayon kay Postmaster General Luis Carlos.

Sa pamamagitan ng naturang Postal Station mas mapadali at masisiguro ang ligtas at mabilis na pagpapadala ng mga sulat, para sa kanilang mga mahal sa buhay sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sa pagsisikap na gawing moderno at digitalize ang paghahatid ng mga sulat at parsela, inilunsad ng PHLPost ang pagkakaroon ng Barangay Postal Stations sa buong bansa; ang pagpapatupad ng bagong seven-digit alphanumeric Zip Code PH, na magpapa-standardize sa sistema ng pag-aaddress sa bansa; at ang karagdagang pagbubukas ng mga next-day delivery hubs na maglilingkod sa mas maraming SMEs upang matulungan silang palaguin ang kanilang mga negosyo.

Ayon kay Area 5 Director Ms. Marilyn Alcoy,  mas magiging madali, maayos at mabilis na maiproproseso ng PHLPost ang mga sulat at express packages, philatelic products, mag-apply ng Postal ID, bumili ng selyo at postal cards, at marami pang iba.

 

 

 

 

 

 

Republic of the Philippines
All content is in the public domain unless otherwise stated.
ABOUT GOVPH
Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.