Inilunsad ng Pilipinas at ng Morocco ang joint commemorative stamps tampok ang ika-50 taong anibersaryo ng diplomatikong relasyon sa pagitan ng dalawang bansa tampok ang magara at prestihiyosong architectural design ng Philippines’ Mactan-Cebu at Marrakech-Menara Airport ng Morocco.
Ayon kay Postmaster General Luis D. Carlos, “Ang Selyo ay higit pa sa isang simbolo—ito ang tulay na nagdudugtong sa dalawang bansa sa larangan ng pagkakaisa at pagbabago partikular sa aviation sector”.
Tampok sa selyo ang magarang istilo ng architecture design ng Mactan-Cebu International Airport Terminal 2 (MCIA T2) na mayroong “wave-like roof structure” na hango sa tradisyunal na Filipino “Bangka”, na sinusuportahan ng mga malalaking kahoy o glulam wood arches.
Tulad ng Mactan-Cebu International Airport, ang Marrakech-Menara Airport ay nagpapakita ng pinaghalong modernong disenyo na ginamitan ng tradisyunal na elemento tulad ng Islamic arabesques at “high sweeping roof”.
Nagpasalamat din si Postmaster General Carlos kay Mr. Amin Benjelloun Touimi, CEO Barid Al-Manghrib at kay Philippine Ambassador to Morocco Leslie J. Baja, sa kanilang hindi matatawarang suporta sa PHLPost upang maisakatuparan ang naturang proyekto. Ang kanilang dedikasyon at pagnanasa na itaguyod at maisulong ang pambansang pagkakakilanlan”.
Ang proyektong ito ay selebrasyon ng malalim na pakikipag-kaibigan at ugnayan ng PHLPost at Morrocan Post sa aspeto ng pagpapaunlad ng kultura at diplomatikong relasyon ng dalawang bansa na patuloy pang palalakasin sa mga darating na panahon.