PHLPost Postmaster General Luis D. Carlos and Obando Municipality Mayor Leonardo Valeda cut the ribbon to officially open the Obando Postal Station
PHLPost Postmaster General Luis D. Carlos and Obando Municipality Mayor Leonardo Valeda cut the ribbon to officially open the Obando Post Office.

Ang Philippine Postal Corporation (PHLPost) ay patuloy na nagpapalawak ng sakop ng kanilang serbisyo sa pamamagitan ng inagurasyon ng Obando Post Office sa Obando, Bulacan. Ang bagong pasilidad na ito ay titiyakin na ang mga residente ay hindi na kailangang pumunta sa Valenzuel o mga  kalapit na mga post offices lungsod, para sa kanilang mga pangangailangang postal.

Ang tatlong palapag na postal office , na naglalaman din ng Obando’s tourism information center, ay matatagpuan sa People’s Park sa harap ng Obando Church. Ang bagong postal station ay naitatag sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa pagitan ng Bayan ng Obando at PHLPost.

Kabilang sa mga opisyal na dumalo sa pormal na pagbubukas ng Post Office ay sina PHLPost Postmaster General at CEO Luis D. Carlos, Mayor ng Obando Leonardo D. Valeda, mga konsehal at opisyal ng bayan ng Obando, at mga opisyal ng PHLPost.

“Ito ay hindi lamang isang mahalagang milestone para sa aming bayan, kundi isang simbolo ng patuloy na pag-unlad ng aming mga serbisyo,” sabi ni Postmaster General Luis Carlos.

Idinagdag pa niya, “Ang ating post office ay kilala sa konsepto ng sulat at padala. Sa bawat sulat na inyong ipinapadala, at sa bawat parcels or package na ipinapahatid, patuloy nating pinalalakas ang koneksyon sa pagitan ng mga tao sa buong bansa at maging sa ibang panig ng mundo.”

Postmaster General Luis Carlos delivers speech at Obando Postal Station opening
PHLPost Postmaster General Luis D. Carlos

Binanggit din ni PMG Carlos ang mga pakinabang ng pagpili sa PHLPost para sa mga serbisyo sa pagpapadala, binibigyang diin ang pagiging miyembro nito sa Universal Postal Union (UPU). Ang koneksyong ito ay nag-uugnay sa PHLPost sa 192 iba pang mga bansa na miyembro ng UPU, na nagbibigay ng maaasahan at malawak na saklaw ng serbisyo ng PHLPost.

“Bilang bahagi ng second oldest postal union in the world, patuloy nating pinapalakas at pinapabuti ang ating postal services upang matugunan ang pangangailangan ng ating mga kababayan, hindi lamang sa loob ng bansa kundi pati na rin sa international mail at logistics,” sabi ni PMG Carlos.

Binanggit din ni Carlos ang mga inobasyon na ipinatupad ng PHLPost upang mapabuti ang operasyon at paghahatid ng sistema ng postal ng bansa. Kabilang dito ang pagtatatag ng Barangay Postal Stations sa buong bansa, ang pagpapatupad ng bagong pitong-digit na alphanumeric Zip Code PH upang i-standardize ang sistema ng pag-aadres ng bansa, at ang pagbubukas ng mga next-day delivery hubs na dinisenyo upang suportahan at itaguyod ang paglago ng mas maraming SMEs.

Binanggit ni Obando Mayor Leonardo Valeda ang kahalagahan ng bagong post office para sa kanilang bayan, sapagkat ito ay makapagbibigay na ng mahalagang access at serbisyo sa mga mamamayan ng Obando.

The newly-opened Obando Postal Station
The new postal station will benefit residents of Obando

“Ang inagurasyon ng postal station ay nagpapahiwatig ng patuloy na serbisyo ng PHLPost sa bayan ng Obando. Lubos naming pinahahalagahan ang tiwala na ibinigay ng PHLPost sa amin, at kami ay nangako na patuloy na magsusumikap para sa kahusayan sa pagbibigay ng pinakamahusay na serbisyo at tulong,” ani Mayor Valeda.

Simula ng pagsasara ng lumang post office walong taon na ang nakakaraan, ang mga residente ng Obando ay kailangang maglakbay sa mga kalapit na lungsod, tulad ng Valenzuela, para matugunan ang kanilang mga pangangailangang postal. Ang bagong postal station ay welcome development sa bayan ng Obando, kung saan ito ay kabilang sa mga improvements na isinagawa ni Mayor Valeda.

Sa bagong bukas na Post Office, maaaring magpadala ng mga liham at express packages ang publiko nang mabilis at maginhawa, bumili ng mga selyo at iba pang mga produktong filateliko, mag-apply para sa Postal ID, magpadala ng express mail, postal cards, at marami pang iba.”



Republic of the Philippines
All content is in the public domain unless otherwise stated.
ABOUT GOVPH
Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.