PHLPost Year of the Wood Snake Stamp Launching

MANILA – Sa pagdiriwang ng nalalapit na Chinese New Year, ilulunsad ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) ang “Year of the Wood Snake” special stamp sa Robinsons Manila sa Enero 23.

Kasabay ng paglulunsad ng bagong selyo, magbubukas din ang Philippine Philatelic Federation Incorporated ng isang stamp exhibition na magpapakita ng mga kakaiba at kawili-wiling selyo na inihanda sa pakikipagtulungan kasama ang Robinsons Malls.

Sa Chinese mythology, ang “ahas” ay kumakatawan sa karunungan, kaalaman, talino, intuwisyon, at pagkamalikhain. Ang mga ahas ay kaugnay din ng suwerte, kasaganaan, pagkamayabong, at mahabang buhay. Sila ay hinahangaan dahil sa kanilang kakayahang magpalit ng balat at magbagong-buhay, na sumisimbolo sa pagbabago at muling pagsilang.

“Nais naming iparating sa lahat ang kapayapaan, kasaganaan, at suwerte para sa darating na Bagong Taon. Tulad ng karunungan at katatagan ng ahas, ang mabuting pamamahala ay tungkol sa pagiging adaptable, pagkakaroon ng foresight, at kakayahang bumuo ng tiwala sa mga taong aming pinaglilingkuran,” ayon kay Postmaster General Luis D. Carlos.

Dagdag pa ni Carlos, “Ang Year of the Wood Snake ay magiging maswerte at makakapagbigay ng mas maraming oportunidad para sa PHLPost na magtatag ng mas mahusay at mas masiglang serbisyo ng courier. Ipinapangako namin sa publiko na ang paghahatid ng mga sulat at parsela ay magiging mas episyente sa pagtatatag ng Barangay Postal Stations sa buong bansa; ang pagpapatupad ng bagong seven-digit alphanumeric Zip Code PH, na magpapa-standardize sa sistema ng pag-aaddress sa bansa; at ang karagdagang pagbubukas ng mga next-day delivery hubs na maglilingkod sa mas maraming SMEs upang matulungan silang palaguin ang kanilang mga negosyo.”

Robinsons Malls CNY stamp exhibition and schedule
Schedule ng Chinese New Year na kaganapan sa Robinsons Malls

Ang eksibisyon ng selyo ay bahagi ng Prosperity Trail ng Robinsons Mall upang ipagdiwang ang nalalapit na Chinese New Year. Ang eksibisyon ay lilipat sa Robinsons Magnolia sa Enero 24-26, sa Robinsons Galleria naman sa Enero 28-30, at babalik sa Robinsons Manila sa Enero 31-Pebrero 2.

Magkakaroon ng isa pang aktibidad sa Enero 28, 2025, sa Lucky Chinatown bilang bahagi ng pagdiriwang ng Chinese New Year.

Ang mga kaganapang ito ay naglalayong parangalan ang ating mayamang kultura at sumisimbolo sa ating pangako na palakasin ang pagkakaisa at pagtutulungan sa pagitan ng mga komunidad. May mga inisyatiba na binabalak upang higit pang hikayatin ang publiko at ipagdiwang ang pagkakaiba-iba na ni kinakatawan ng Year of the Snake.

 

Republic of the Philippines
All content is in the public domain unless otherwise stated.
ABOUT GOVPH
Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.