In the photo (L-R): Metrobank Foundation Executive Vice President Philip Francisco U. Dy, Metrobank Foundation President Aniceto M. Sobrepeña, Executive Assistant PHLPost Office of the Postmaster General Jocelyn Edralin Cacho, and DepEd Secretary Juan Edgardo “Sonny” M. Angara

Pinarangalan ng Department of Education (DepEd) at Metrobank Foundation ang Philippine Postal Corporation (PHLPost) ng isang Certificate of Appreciation bilang pagkilala sa kanilang walang sawang dedikasyon, suporta, at komitment sa 2024 National Teachers’ Month (NTM).

Pinuri ang PHLPost para sa kanilang mahalagang ambag sa tagumpay ng programa at sa kanilang patuloy na pagtataguyod sa adbokasiyang na nagpupugay sa mga guro at nagpapataas ng antas ng propesyon ng pagtuturo sa bansa.

Ang parangal ay iginawad kay Jocelyn Edralin Cacho, Executive Assistant at PHLPost Office of the Postmaster General, nina DepEd Secretary Juan Edgardo “Sonny” M. Angara,  Metrobank Foundation President Aniceto M. Sobrepeña at Metrobank Foundation Executive Vice President Philip Francisco U. Dy noong Marso 11 sa Makati City.

“Ito ay isang malaking karangalan na tanggapin ang parangal na ito, dahil pinapatunayan nito na ang PHLPost ay nagbibigay ng makabuluhang ambag sa pagpupugay sa mga guro sa pamamagitan ng kanilang mga programang nakatuon sa edukasyon,” ani ni Ms. Cacho.

Idinaraos mula Setyembre 5 hanggang Oktubre 5, ang NTM ay isang movement na pinangungunahan ng Metrobank Foundation, Inc., Department of Education (DepEd), at iba’t ibang multi-sectoral groups. Layunin nitong kilalanin ang mga gurong Pilipino at ang kanilang di-matatawarang ambag sa paghubog ng kinabukasan ng bansa, na isinasakatawan sa kampanyang “My Teacher, My Hero.”

Ang diwa ng pagdiriwang ng NTM ay nakatuon sa pag-engganyo ng sambayanan na lumahok sa mga pagdiriwang sa pamamagitan ng pagdadala ng Teacher’s Day festivities mula sa mga paaralan patungo sa mas malawak na pampublikong espasyo.

Sa programa, tinalakay ng PHLPost at DepEd ang suporta ng kagawaran sa distribusyon ng mga NTM stamp. Bukod dito, ipinahayag din ng DepEd ang patuloy nitong suporta sa National Letter Writing Competition ng PHLPost, isang initiative na idinisenyo para sa mga mag-aaral sa pakikipagtulungan sa kagawaran.

 

Republic of the Philippines
All content is in the public domain unless otherwise stated.
ABOUT GOVPH
Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.