Nakahanda ang Philippine Postal Corporation (PHLPost) na i-pick up, balutin, at ihatid ang mga  office equipment at malalaking  kagamitan na ipadadala at padadaanin sa pamamagitan ng logistics service ng PHLPost at sa pasilidad nito sa Surface Mail Exchange Center (SMED) sa North Harbor Manila.

Sa pamamagitan ng mga bagong investments na nakasentro sa pagpapaunlad ng mga  sasakyan tulad ng labing-walo (18) na bagong six wheeler at  four (4)  na ten-wheeler trucks,  na kabilang sa kasalukuyang mail vans, ang inaasahang magpapabilis sa paghahatid ng serbisyo postal sa kanilang mga kliyente sa mas-abot kayang halaga.

Palalawigin ng PHLPost ang logistics fleet nito bilang isa sa mga pangunahing hakbangin upang pagandahin ang operational efficiency at reliability nito pagdating sa paghahatid ng mga mahahalagang kagamitan at kalakal. Layunin ng PHLPost na palakasin ang posisyon nito sa logistics market, partikular ang last-mile parcel delivery services ng ahensya. Maliban sa mga sulat, patungo rin ang PHLPost sa negosyo ng e-commerce at logistics kasabay ng pagtaas ng demand sa mahusay at episyenteng  parcel delivery service.

Ayon kay Postmaster General Luis Carlos ang mga nabanggit na mga bagong mail delivery trucks ay magtutulak sa kakayahan ng PHLPost na mas lalo pang pagbutihin at paigtingin ang serbisyo at makapang-akit pa ng mga bagong kostumer na tangkilikin ang serbisyo postal.

“Ang mga bagong postal vehicles ang magtutulak upang sumabay ang serbisyo postal sa tuloy-tuloy na pag-unlad ng e-commerce at logistics delivery business,“ dagdag pa ni Carlos.

Maliban dito, inumpisahan na ng  PHLPost ang programang “Postal Trinity” na naglalayong magtayo ng karagdagang Barangay Postal Stations sa buong bansa at sa mga kanayunan upang maghatid ng episyenteng last-mile delivery, maabot kahit yung malalayong lugar sa bansa,  ikalawa, ang implementation ng bagong seven (7) digit alphanumeric new ZIP Code PH mula sa dating apat (4) na digit at magkaroon ng pamantayan sa addressing system sa bansa at ikatlo, ang “Kartero App”, isang Real Time Visibility system na magpapalakas sa delivery at efficiency ng mail operations at logistics service sa bansa,” ayon kay PMG Carlos.

 

 

Republic of the Philippines
All content is in the public domain unless otherwise stated.
ABOUT GOVPH
Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.