Naglabas ng bagong selyo ang Philippine Postal Corporation (PHLPost) na nagtatampok sa iba’t-ibang uri ng dikya o Jellyfish na matatagpuan sa Indo-Pacific at mga karagatan sa Pilipinas, isa sa mga lugar na mayroong mayamang marine biodiversity.Inilalarawan sa regular stamps ang apat (4) na Jellyfish species na nagtatampok sa “16 on sheet” o labing-anim na indibidwal na stamps.

Ang Pilipinas ang isa sa mga itinuturing na tahanan ng iba’t ibang klase ng jellyfish species, bahagi ng likas na kayamanan ng bansa.

Tampok sa selyo ng PHLPost ang mapanganib na The Box Jellyfish (Cubozoa Box) na matatagpuan sa karagatan ng northern Australia at Indo-Pacific region.

Makikita rin sa ikalawang selyo ang Upside-down Jellyfish (Cassiopea mayeri Scyphozoans), tanyag sa kanyang “upside-down” na mga tentacles na nakaharap sa itaas.
Ikatlo ay ang Lion’s Mane Jellyfish (Cyanea capilata), isang uri ng marine species na itinuturing na isa sa pinakamalaking jellyfish species sa buong mundo. Lumalaki ito ng higit-kumulang na 1.5 feet (40 cm), hanggang sa haba na 6.5 feet (200 cm).Ang ikaapat na selyo ay ang Pacific Sea Nettle (Chrysaora fuscescens) na naglalarawan ng makinang at matingkad na mga kulay tulad ng pula, ginto at kayumangi na lumalaki hangang 3 ft (1 m) in diameter, puti ang braso at may 24 na tentacles na may haba na 15 ft (4.6 m).
Maliban sa apat na selyo, naglabas din ang PHLPost ng special souvenir stamp tampok ang Spotted Jellyfish (Mastiagas papua). Ang spotted jelly ang isa sa pitong lagoon jelly species na bahaging uri ng genus Mastigias na kung tawagin din ay “Papua jelly”.

Inilalarawan di sa opisyal na disenyo ng First Day Cover ang Jellyfish Cassiopea culionensi , na kamakailan lamang ay nadiskubre ng mga banyagang scientists kasama ang mga Filipino marine biologists at taxonomists. Ang bagong uri ng endemic species ng jellyfish has kinuha sa pangalan ng Culion Bay, Palawan, ang lugar na kung saan natagpuan ang nabanggit na jellyfish.

Nag-imprenta ng 10,000 na kopya ng “16 on sheet” tampok ang apat na selyo, at 2,000 piraso ng souvenir sheet ang PHLPost

Republic of the Philippines
All content is in the public domain unless otherwise stated.
ABOUT GOVPH
Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.