Humigit kumulang 436 job applicants at mga istudyante ang nag-apply ng Postal ID na serbisyong inialok ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) sa nakaraang Mega Job Fair 2025 na inorganisa ng  Local Government Unit sa District 1 na ginanap sa Central Azucarera Don Pedro Inc. (Cadpi) sa bayan ng Nasugbu, Batangas noong March 07.

Maaga pa lang ay dumagsa na ang mga job applicants upang kumuha ng kanilang Postal ID sa itinalagang mobile site application kiosk na pinamahalaan ng PHLPost Area IV Southern Luzon. Isa ang Postal ID sa mga documentary requirements ng mga government agencies at financial institutions upang ma-verify ang kanilang pagkakakilanlan  at mgamit din sa pagkuha ng passports at pag-open ng bank accounts.

Prayoridad ang mga Job Applicants sa One Stop Local and Overseas Job Fair sa pag-aapply ng trabaho na makakuha sa itinalagang PHLPost Mobile Postal ID Capturing Service, na layuning maghatid ng malapitan sa komunidad at mamayan ang nabanggit na serbisyo ng PHLPost.

Ayon kay Postmaster General Luis D. Carlos, “ang proyektong inihahatid ng PHLPost’s ay bilang pagtugon sa layuning mapalapit at maabot ng serbisyo ng pamahalaan sa mga komunidad lalo na ang mga malalayong lugar sa bansa na nag-nanais makakuha ng serbisyo. Gayundin, higit na makakatulong ito sa mga nagnanais na kumuha ng Postal ID ngunit malayo sa siyudad at walang sapat na panahon dahil nag-aaral o kaya ay nagtatrabaho”.

Maliban dito, nag-aalok din ang PHLPost sa mga pribado at pampublikong kumpanya, mga social at sibikong organisasyon, at government agencies na sumulat o makipag-ugnayan sa ahensya upang makapag-avail ng  Mobile Data Capturing Service sa kanilang lugar. Kailangan lamang na mayroong minimum na 100 registered at paid Postal ID applicants na gagawin sa kanilang lokalidad. 

Ang Mobile Data Capturing Service ng PHLPost ay alinsunod sa  Republic Act 11032 o ang Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018 na binibigyang mandato ang lahat ng government offices at agencies kasama ang local government units (LGUs), Government-Owned or -Controlled Corporations (GOCCs), na kumilos at gumawa ng mga hakbang upang mapadali ang transaksyon tulad ng business at non-business related transactions, padaliin ang mga proseso at maiwasan ang red tape.

Maaari ring mag-apply ang mga Overseas Filipino Workers or OFWs ng  Postal ID, na isang valid government-issued ID sa Pilipinas. Pwede rin nilang gamitin  ang Postal ID sa mga transactions habang nasa ibang bansa, tulad ng documentary at financial services sa mga Post Offices na konektado sa PHLPost. Maaring nilang gamitin bilang requirements ang kanilang valid passports at birth certificate. 

Ang mga requirements sa pagkuha ng Postal ID ay duly-accomplished application forms, proof of identity, at proof of address. Ang  Postal ID application fee ay P550.00 inclusive of tax at delivery fee para sa regular issuance at P650 para sa Rush ID fee (to pick-up the following day).

Ang Postal ID ay kargado ng mga security features upang protektahan ang identity ng cardholder at mga hindi kanais na transaksyon o  scam. Makikita ang mga listahan ng capturing stations at post offices sa kanilang opisyal na PHLPost website at social media pages.

Republic of the Philippines
All content is in the public domain unless otherwise stated.
ABOUT GOVPH
Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.