Ang Philippine Postal Corporation (PHLPost) KADIWA ng Pangulo sa Manila Central Post Office Annex II compound sa Liwasang Bonifacio (Lawton), ay magbebenta ng murang agricultural products, kasama ang P20 Rice Project ng Department of Agriculture (DA)  tuwing biyernes, simula ngayong araw, May 16, 2025.

Matatandaan na pumirma ng kasunduan ang PHLPost at DA ng Memorandum of Understanding (MoU) noong  Abril  upang pormal na ilunsad ang programang Kadiwa ng Pangulo.

Sa pamamagitan ng P20 Rice Project, ang de-kalidad na bigas ay ibebenta ng Php 20.00 kada kilo ng  DA sa mga KADIWA centers. Prioridad na makabili ng murang bigas ang mga  indigents, senior citizens, solo parents, at mga may kapansanan. Makakatanggap naman ng murang bigas ang mga beneficiaries ng hanggang 30 kilos kada buwan. Ang naturang bigas ay manggagaling sa Food Terminal Inc. ng National Food Authority (NFA).

Layon ng Kadiwa ng Pangulo na magbigay ng murang produktong agrikultura at mailapit ito sa publiko sa pamamagitan ng pagtatayo ng “community markets” sa mga istratehikong lugar at post offices sa bansa. Sa pamamagitan ng partnership ng DA at PHLPost, mapapadali ang distribusyon nito sa merkado sa pamamagitan ng logistics at e-commerce upang masiguro na maipararating ng Department of Agriculture ang sariwang ani ng mga gulay at pangunahing produkto sa mga mamimili.

Ayon kay Postmaster General Luis D. Carlos, “Sa pamamagitan ng inisyatibong ito, hindi lang natin inihahatid ang mga murang produkto; nakakatulong din tayo sa ating mga magsasaka, mangingisda at  negosyante upang umunlad ang kanilang kabuhayan”.

Binigyang diin ng DA ay importansya ng pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan tulad ng PHLPost upang suportahan ang ating mga lokal na magsasaka at bigyan ng murang pagkain ang ating pamilyang Pilipino.

Ang Kadiwa ng Pangulo ay bukas mula 7:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon tuwing Biyernes.

Republic of the Philippines
All content is in the public domain unless otherwise stated.
ABOUT GOVPH
Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.