Ang Philippine Postal Corporation (PHLPost), sa pakikipagtulungan sa Lungsod ng Bago sa Negros Occidental, ay naglunsad ng bagong set ng mga personalized stamps upang magbigay-pugay sa ‘The Great Men of Bago,’ na mga kilalang residente ng lungsod.
Ang apat na “kilalang anak ng Bago” na pararangalan din bilang bahagi ng 59th Charter Anniversary ng Lungsod ng Bago ay kinabibilangan nina Juan Anacleto Araneta, isang heneral na nagkaroon ng mahalagang papel sa makasaysayang Rebolusyon ng Negros noong 1898 at ang nagtatag ng Negros Republic. Si Rafael Salas ay nagsilbi bilang executive secretary ni dating Pangulong Ferdinand Marcos at naging unang pinuno ng United Nations Population Fund. Si Ramon Torres ay humawak ng iba’t ibang posisyon, kabilang ang pagiging assemblyman, ang unang Kalihim ng Paggawa ng Pilipinas, at senador. Si Arsenio Yulo Jr. ay ang unang konsehal ng lungsod ng Bago, isang delegado ng 1971 Constitutional Convention, presidente ng Philippine Bar Association, ang unang administrador ng Sugar Regulatory Administration, at chairman ng Philippine Estates Authority.
Patuloy na nagbibigay-inspirasyon ang mga indibidwal na ito sa mga mamamayan ng Lungsod ng Bago, ayon kay PHLPost Postmaster General Luis D. Carlos.
“Ang mga personalized stamps na nagbibigay-pugay sa The Great Men of Bago ay patunay ng kanilang patuloy na inspirasyon sa komunidad. Sa pamamagitan ng kanilang remarkable achievements, pinagpala ang Lungsod ng Bago at ang mga mamamayan nito ng mga natatanging trailblazers,” dagdag ni PMG Carlos.
Inilunsad ng PHLPost ang isang stamp sheet na nagtatampok ng apat na selyo na may mukha ng The Great Men of Bago at ang iconic na Central Post Office sa Maynila, kasama ang isang commemorative cover. Ang mga selyo, na naka-render sa sepia, ay nagdudulot ng pakiramdam ng nostalgia para sa nakaraang panahon.
Regular na naglulunsad ang PHLPost ng mga commemorative at espesyal na selyo upang markahan ang mga historic events at magbigay-pugay sa mga kilalang indibidwal at organisasyon, para matıyak na sila ay maitatala sa kasaysayan at maaalala ng publiko. Ang mga selyong ito ay malugod na kinokolekta ng mga enthusiasts, dahil ang pangongolekta ng selyo ay isang popular na hobby at masiglang trading marketplace.
Ang personalized stamps para sa Lungsod ng Bago ay ginawa upang parangalan ang makabuluhang kontribusyon ng mga kilalang Bagohons. Sa pamamagitan nito ay maipapagdiwang ang ang kanilang pangmatagalang epekto sa mayamang kasaysayan at pamana ng lungsod, ayon sa mga opisyal ng lungsod.
Sa paglulunsad ng selyo sa isang Community Center sa Lungsod ng Bago, binigyang-diin ni PMG Carlos ang papel ng PHLPost sa pag-ambag sa pag-unlad ng lungsod sa pamamagitan ng mga serbisyo nito, at hinihikayat ang mga negosyante sa Negros Occidental, na kilala sa negosyo na handicraft, na gamitin ang Express Mail Service (EMS) ng PHLPost upang ipadala at lalo pang i-promote ang kanilang mga produkto.
“Maraming SMEs sa Negros Occidental ang gumagawa ng world-class na mga habing produkto mula sa piña at handicrafts na nakatakda para sa pag-export. Maaari nilang gamitin ang PHLPost EMS at pakinabangan ang mababang presyo nito para sa kanilang One Town, One Product, para lalo nilang ma promote ang kanilang mga produkto sa lokal at internasyonal markets. Maaaring makinabang ang SMEs mula sa global reach ng PHLPost bilang miyembro ng 192-na-miyembrong Universal Postal Union. Handa ang PHLPost na suportahan ang mga SMEs sa kanilang paglago,” pahayag ni PMG Carlos.
Binanggit din ni PMG Carlos na ang mga programa ng PHLPost, tulad ng “Postal Trinity,” ay lalo pang magpapalawak sa mga serbisyo ng korporasyon at magpapahintulot sa mga tao, lalo na sa mga malalayong lugar, na makinabang sa mga benepisyo ng PHLPost. Ang Postal Trinity initiative ay kasama ang plano pagtatatag ng postal station sa bawat barangay, paggpatupad ng bagong 7-digit ZIP Code upang mapabuti ang paghahatid ng mail at package, at pag develop ng Kartero app (K-App) para sa real-time tracking ng mail at package.
Ang “The Men of Bago” personalized stamps ay isang limitadong release, na mayroong lamang 1,300 selyo at 2,300 commemorative covers na nailimbag.